This poem is all about “love”… and I wrote it all by myself…
* * * * *
BFWOT!
BFWOT! Ay diyusku, ako’y napautot!
Silid ay umalinsangan at biglang bumantot!
Ipinagdasal na lang na walang kasamang pururot
Ang amoy na singbaho ng panis na balot
Ang utot, kaibigan, ay galing sa puwit
at senyales ng bagay na biglang lalawit
Ito’y malagkit at mananatiling makulit
hanggang isang ire lang, bagsak ang nakasabit
Ako ay lumaki na lubos na ututin
Ang irog kong mahal, pinilit tiisin
Ngunit puwersa ng damdamin, sadyang mahirap pigilin
Utot ko’y bumulwak – at bumalik ang kanyang kinain
Pagkamasid sa nangyari, ako ay nagitla
Kasunod nuon, utot ko ay muling bumuga
Hinayupak na baho, hindi niya makaya
Luhaang lumisan ang aking sinta…
Dumaan ang mga araw, lumakad ang linggo
Tumalon ang buwan, at saka nagsirko
Ako ay nakakita ng bagong kalaguyo
Na hindi ininda ang mapanghi kong sikreto
Sana naman, kaibigan, ay hindi ka nabagot
sa munti kong tula na tungkol sa utot
Dahil ngayon ako ay hindi na malungkot
Kuntento na ako, sa aking pagkan… ta…
(La la la, akala niyo, ha?)
* * * * *
This was a poem I submitted to the spoof version of our college paper – the Heraldo Flip-No. Please note that the events that took place in the poem are fictional, and any relation to actual events are purely coincidental. Really… Honest…
